BAYAN NG STA.BARBARA, NAKATANGGAP NG MAKINARYANG PANSAKA MULA SA DA

Matagumpay na naipamahagi sa bayan ng Sta. Barbara ang makinaryang makakatulong sa pansaka ng mga magsasaka sa bayan.
Benepisyaryo ang mga magsasakang kabilang sa grupo ng Maningding Kadaralusan Farmers Association Incorporated (MKFAI) kung saan kanilang natanggap ang ‘Riding Type Mechanical Rice Transplanter’ na mula sa Kagawaran ng Agrikultura.
Dito, isinagawa rin ang blessing sa naturang makinarya.

Makakatulong umano ang makinaryang ito sa mga magsasaka dahil upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa bayan.
Laking pasasalamat naman ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga magsasakang gagamit ng makinarya dahil mabibigyan sila ng pagkakataon na mas pagbutihin pa ang kanilang pagsasaka sa pamamagitan ng mga makabagong makinarya. |ifmnews
Facebook Comments