Ilang mga mamimili na sa Dagupan City ang unti-unti nang naghahanda para sa buwan Disyembre kung saan ipinagdiriwang ang araw ng pasko at pati na rin bagong taon.
Sinisiguro ng mga mamimili na makakatipid sila at tinitignan mabuti ang manufactured date at expiration date na kanilang mga iniimpok para sa darating na kapaskuhan.
Ayon sa kanila, kaya umano maaga ang kanilang pamimili ng ilang ihahanda ay dahil wala pang paggalaw sa ilang mga pangunahing binibili tuwing magpapasko at bagong taon.
Inaasahan na rin kasi ng mga ito ang maaaring pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.
Di rin naman talaga daw maiiwasan na ang ilang sa mga inihahanda sa Christmas at New year ay dapat sa buwan lang mismo ng Disyembre nabibili ngunit mas mabuti na rin na may naimpok na sila nang sa gayon ay sulit at may maihahanda. |ifmnews
Facebook Comments