Ikinasa ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ng Raxabago Police Station ang pagpapatupad ng ordinansa hinggil sa maiingay na tambutso sa lungsod ng Maynila.
Partikular sa mga lugar ng nabanggit na himpilan bilang bahagi na rin ng Anti-Criminality Operation ng pulisya.
Kaugnay nito, nasa 17 motorcycle rider ang natikitan dahil sa paglabag sa R.O 8772 o Motor Vehicle Modified Muffler/exhaust Pipe Noise Regulation Ordinance.
Nasa 20 naman ang natikitan dahil sa iba’t ibang traffic violation habang anim na sasakyan ang na-impound.
Ito’y dahil ang ilan sa mga nasabing sasakyan ay paso o expire na ang OR/CR.
Katuwang ng Raxabago Police Station ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau kung saan magkakaroon pa muli ng ganitong operasyon sa ibang himpilan ng MPD.