NDRRMC, iniimbestigahan na ang pangha-hack sa kanilang Facebook page kahapon

Iniimbestigahan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang ‘di umano’y security breach at hacking incident sa kanilang Facebook page kahapon.

Batay sa pahayag ng NDRRMC, na-hack ang kanilang official FB page dakong alas-3:00 ng hapon kahapon.

Aniya, nakalatag na ang kanilang mga plano upang mabawi nila ang naturang account.


Humingi naman ng tawad ang ahensya sa idinulot nitong abala at kalituhan na posible nitong idulot sa publiko.

Dagdag pa ng ahensya, makakaasa ang publiko na gumagawa na sila ng paraan upang hindi na maulit ang ganitong insidente.

Facebook Comments