Ilang mga Muslim, nagtungo pa rin sa Golden Mosque sa Quaipo, Maynila kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, dumagsa pa rin ang ilan mga Muslim sa Golden Mosque sa Globo de Oro, Quiapo, Maynila.

Ito’y upang dumalo sila sa pagdarasal kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ngayong araw.

Bago pa man ang simula ng pagdarasal kaninang alas-6:00 ng umaga ay nagtungo na ang mga Muslim kung saan nagtipon-tipon sila sa nasabing lugar bago pa man bumuhos ang ulan.


Todo bantay naman ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para masiguro ang seguridad at maipatupad ang guidelines sa minimum health protocols.

Kahit pa bahagyang bumuhos ang ulan, hindi pa rin pinayagan ang ibang Muslim na makapasok sa Golden Mosque bilang bahagi ng pagsunod sa health protocols kung saan kaniya-kaniya sila ng silong upang hindi mabasa.

Sa ngayon, may ilan pa ring mga Muslim ang nagtutungo sa Golden Mosque upang mag-alay ng kanilang panalangin ngayong Eid’l Adha o Feast of Sacrifice habang patuloy na nagbabantay ang mga pulis, mga barangay at iba pang volunteer ng Muslim Community.

Facebook Comments