Arnel Pineda at bandang Journey, magtatanghal sa Lollapalooza Music Festival sa Amerika

Nakatakdang mag-perform ang American rock band na “Journey” sa Lollapalooza Music Festival ngayon buwan sa Chicago sa Amerika.

Ito ang kinumpirma ng Journey frontman at Filipino rocker na si Arnel Pineda kasunod ng pagdating nito sa Chicago para sa taunang 4-day music festival na magsisimula sa July 29 hanggang August 1 sa Historic Grant Park.

Bukod kay Arnel, magtatanghal din ang ilang international artist tulad nina Miley Cyrus, Post Malone, Foo Fighters at Tyler, The Creator.


Una nang kinumpirma ni Arnel ang nakatakdang pag-release ngayon taon ng kanilang full-length album, ang una simula pa noong 2011.

Facebook Comments