Ilang mga nais tumakbo sa lokal na posisyon sa lungsod ng Parañaque, naghain na ng kanilang COC

Naghain na rin ng kani-kanilang certificate of candidancy (COC) ang ilang mga nais tumakbo sa lokal na posisyon sa lungsod ng Parañaque.

Kabilang dito sina Paranaque 1st District Rep. Eric Olivarez na tatakbo sa pagka-mayor habang ang kapatid nito na kasalukuyang alkalde na si Mayor Edwin Olivarez ay naghain naman ng COC para tumakbong congressmam ng unang distrito.

Makakatandem ni Rep. Eric Olivarez ang dating coach na si Binky Favis na tatakbo bilang vice mayor ng lungsod.


Kasama nilang naghain ng kanilang kandidatura ang buong Team Olivarez sa ilalaim ng PDP-Laban kung saan ang ilan sa kanila ay ang anak ni Mayor Olivarez na si Paolo na tatakbong konsehal, dating councilor na sina Vandolph Quizon at asawa ni Councilor Wahoo Sotto na si Nina.

Tatakbo rin muli sa pagkonsehal sa 1st district ang aktor na si Jomari Yllana at kapatid na si Ryan Yllana para naman sa 2nd District.

Wala pa namang inilalabas na impormasyon kung sino ang makakaharap ng mga Olivarez sa darating na 2022 elections.

Facebook Comments