2 patay habang higit 1,700 na pamilya, apektado sa hagupit ng Bagyong Lannie

Dalawa ang patay habang 1,701 na pamilya ang apektado dahil sa pananalasa ng Bagyong Lannie.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, aabot sa 8,048 na katao mula sa 21 na lugar sa rehiyon ng MIMAROPA at Western Visayas ang lubhang naapektuhan ng bagyo.

Dagdag ng NDRRMC, nasa 179 indibidwal pa o katumbas ng 55 na pamilya ang kasalukuyang naninirahan sa pitong evacuation centers habang 69 na indibidwal o 20 na pamilya ang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.


Samantala, 19 na kabahayan ang nasira at aabot sa higit P12.2 million ang naitalang pinsala sa agrikultura dahil sa bagyo.

Facebook Comments