Ilang mga nakatakdang aktibidad sa BSKE, binago ng COMELEC

Binago ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilang naitakdang aktibidad para sa Barangay at SK Election sa Oktubre.

Ito’y base sa inilabas Resolution No. 10902 ng COMELEC.

Ilan sa mga ito ay ang petsa ng election period at gunban gayundin sa pagbabawal sa pangangampanya.


Sa inilabas na Calendar of Activities ng COMELEC para sa nasabing halalan, ang election period at gunban ay magsisimula pa rin ng August 28 pero magtatagal ito ng hanggang November 29, 2023 kumpara sa naunang petsa na November 14.

Ang pagbabawal naman ng pangangampaniya ay itinakda na sa September 3 hanggang October 18 kung saan ang naunang petsa nito ay August 28 hanggang October 18.

Mananatili naman sa August 18 hanggang September 2, 2023 ang filing of certificate of candidacy (COC) habang ang campaign period ay mula October 19 hanggang 28.

Ang petsa ng botohan ay sa October 30, 2023 pa rin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon kung saan ang huling araw naman ng pagpapasa ng SOCE o Statement of Contributions and Expenditures ay sa November 29, 2023.

Facebook Comments