Ilang mga natalong kandidato sa nakaraang 2022 national elections, itatalaga ni PBBM sa gabinete

Magtatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gabinete ng mga natalong kandidato sa nakaraang 2022 national elections.

Sa harap ito nang nalalapit na pagtatapos ng isang taong election ban.

Sa panayam ni Pangulong Marcos sa loob ng eroplano patungo ng Washington D.C., sinabi nito na marami sa mga natalong kandidato ay magagaling at kwalipikado at gustong tumulong sa gobyerno.


Pero, tumanggi na muna si Pangulong Marcos na tukuyin kung sino sa mga natalong kandidato ang magiging bahagi ng gabinete.

Kailangan aniya kasing makausap muna ang mga ito.

Ilan sa mga natalong kandidato, matunog na ipipwesto sa gabinete ay sina dating Presidential Spokesman Harry Roque, dating National Defense Secretary Gilbert Teodoro, dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at si Doctor Willie Ong na tumakbong Vice President.

Ang pangulo ay nasa Washington D. C ngayon para sa kanyang limang araw na official visit.

Facebook Comments