Ilang mga labor group, naghahanda na sa ikakasang kilos-protesta sa Maynila

Naghahanda na ang ilang mga militanteng grupo sa gagawing kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi sa lungsod ng Maynila.

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.

Sa anunsyo ng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), sisimulan nila ang pagtititipon sa Welcome Rotonda saka tutulak sa Mendiola.


Ang kanilang mismong programa ay gagawin sa Mendiola kung saan inaasahang makikilahok ang iba’t ibang labor groups gaya ng Nagkaisa Labor Coalition, Women Workers United, TUCP, Trabaho at Kabuhayan at iba pa.

Panawagan ng grupo, tapusin na ang isyu sa endo, taas-sahod, pagrespeto sa mga karapatang manggagawa at disenteng trabaho.

Nakapwesto ang ilang mga labor groups sa Liwasang Bonifacio, Plaza Sta. Cruz, Recto, España, Maceda, Blumentrit at Raja Sulayman Park.

Facebook Comments