Umaaray na ang ilang mga negosyante sa bahagi ng Marikina River Park matapos na ilang araw na sa muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila.
Ilang mga negosyo rito ay napilitan na rin magsarado dahil wala naman na silang customer.
Ito ay dahil kakunti na lang ang namamasyal dito sa Marikina River Park dahil sa mga ECQ restriction.
Ayon kay Serafin Garcia, isa sa mga may-ari ng negosyo sa Marikina River Park, mas lalong nawalan ng tao matapos naman ipagbawal ang pagsasagawa ng outdoor exercise.
Aniya, dahil dito ay nagbawas na rin siya ng tauhan upang mabawasan ang kaniyang expenses at kumita kahit kaunti lang.
Aniya, kung sila lang ang masusunod ayaw na nila mag-ECQ ulit.
Pero aniya, dahil ito ay mandato ng pamahalaan, walang magagawa ang mga maliliit na negosyante na tulad nila.