Mga pampasaherong jeep na biyaheng Libertad-PRC, hindi sumusunod sa kautusan ng IATF

Binabalewala ng mga ilang mga drayber ng pampasaherong jeep ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bawal ang sabit at kailangan nasa 50 percent lamang ang pwedeng isakay ngayong Enhaced Community Quarantine (ECQ).

Sa kahabaan ng Edsa, Pasay City, may mga drayber ng pampasaherong jeep ang nagpapasakay ng sobra sa kapasidad na ibinigay ng IATF.

Ayon sa mga drayber, halos wala silang kikitain at maiuuwi sa kanilang mga pamilya kung hindi sila magpapasakay ng punuan sa kanilang minamanehong jeep.


Nagpalabas ng kautusan ang IATF na dapat 50 percent lamang ang maaaring isakay na pasahero dahil sa marami ng tinatamaan ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments