Ilang mga opisyal ng Brgy. 175 sa Caloocan, umaasang makakatuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa mga susunod na programa at proyekto

Umaasa ang ilang mga opisyal ng Brgy. 175 sa lungsod ng Caloocan na makakatuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa mga susunod nilang programa at proyekto.

Sa ginawang Katok Bahay, Sorpresa Trabaho promo ng DZXL Radyo Trabaho, maraming nakalinyang proyekto ang Brgy. 175 kung saan hangad nila na mai-promote ito at matularan ng ilang barangay mula sa Caloocan at sa ibang lungsod.

Ayon kay Antonio Cruz ang Environmental Chief ng Brgy. 176, ilan sa mga proyekto na kanilang nagawa ay ang pagsasagawa ng path walks at pagtatayo ng mga daycare.


Aniya, isa sa mga layunin ng kanilang chairman na si Kapitan Onie Matias na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga bata at kabataan dahil ito ang kanilang magiging puhunan pagdating sa paghahanap ng trabaho.

Pinagkalooban din ng school supplies ang daycare students habang dinagdagan din ang scholarship allowance ng mga estudyante na aabot sa P5,000 mula sa dating P3,000.

Ang Brgy. 175 rin ang itinuturing na best barangay sa Caloocan sa loob ng tatlong taon.

Bukod sa Brgy. 175, nagpapasalamat din ang mga opisyal at residente ng Brgy. 171 at 176 sa Katok Bahay, Sorpresa Trabaho promo ng DZXL Radyo Trabaho.

Facebook Comments