Pansamantalang munang tumigil ang ilan sa mga oyster vendors sa lungsod ng Dagupan dahil sa napansing kakulangan ng lokal na produksyon nito dahilan umano ang nararanasang pabago-bagong panahon.
Maliliit talaga umano ang nahaharvest na talaba ngayon at kung ibabase man sa mga inaangkat mula sa mga bayan pa ng Bolinao, Alaminos at Bataan ay marami bagamat may paggalaw umano sa buying price nito.
Bagamat nilinaw ng mga ito na pansamantala lamang ang hindi nila pagtitinda dahil sa mga susunod na araw babalik na ang mga ito.
Hiling ng mga ito na mas mapalawig pa ang naumpisahang proyektong kailanlamang naipahamagi para tulungan ang mga oyster farmers ng lungsod sa pagpaparami ng produksyon ng talaba maging mapataas ang kanilang kita.
Samantala, matatandaan na nakapagpamahagi ng 30 units ng floating oyster rafts with plastic wraps at weighing scales ang DOST sa mga magtatalaba sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang programang Community Empowerment through Science and Technology o CEST. |ifmnews
Facebook Comments