Ilang mga pasahero, stranded pa rin sa Manila North Port Passenger Terminal

May ilan pa ring stranded na pasahero ang naitala sa Manila North Port Passenger Terminal.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Ports Authority o PPA General Manager Jay Santiago.

Ayon kay Santiago, ang mga stranded na pasahero ay yung mga babiyahe sana noon pang October 28 o bago mag-Undas.


Pero nakansela ang biyahe ng barko bunsod ng Bagyong Paeng kaya nanatili muna sila sa North Port Passenger Terminal.

Aniya, lalo pa umanong natagalan ang mga stranded na pasahero sa pier dahil hindi naisakay ng kanilang transport company (2GO) sa barko na bumiyahe nitong November 1.

Dagdag pa ni Santiago, nangako ang transport company na maisasakay nanan ang mga stranded passenger sa barkong bibiyahe sa November 4.

Batay naman sa mga gwardya ng Manila North Port Passenger Terminal, may biyahe ng barko patungong Bacolod mamayang ala-1:00 ng hapon kung saan balik na rin sa normal ang operasyon ng mga barko.

Facebook Comments