Ilang mga probinsiya sa bansa, magiging prayoridad sa National ID System- DILG
Ipaprayoridad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nasa 30 probinsiya para sa pagsisimula ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, ito ay ang mga sumusunod:
• Ilocos, La Union, Pangasinan (Region 1)
• Cagayan, Isabela (Region 2)
• Bataan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales (Region 3)
• Batangas, Cavite, Laguna, Rizal (Region 4A)
• Albay, Camarines Sur, Masbate (Region 5)
• Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental (Region 6)
• Bohol, Cebu, Negros Oriental (Region 7)
• Leyte (Region 8)
• Compostela Valley, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental (Region 9)
• Tawi-Tawi (BARMM)
Sinabi pa ni Malaya na ang mga nabanggit na probinsiya ay nakikipag-ugnayan na sa Philippine Statistics Authority (PSA) gayundin sa DILG regional offices.
Dagdag pa nito, ang mass registration para sa National ID System ay sisimulan na sa Oktubre sa gitna na din ng COVID-19 pandemic.