Ilang mga puntod sa public cemetery aa Dagupan City ang nililinisan ng mga kamag-kaanak ng mga yumao para sa nalalapit na Undas 2023.
Nilinisan ang mga mapuputik na bahagi at tinanggal ang mga damong nagsitubuan sa tagal na panahon na hindi nabisita ang ilan sa mga puntod.
Pati ang mga daanan sa loob ng sementeryo na nalulubog sa baha, pansamantalang niremedyohan gamit ang paglalagay ng mga damong itinapal o di kaya pinagpatong-patong na mga bato para gawing tawiran muna.
Ayon naman sa PNP, buong pwersa ang kanilang hanay sa pagbabantay sa magaganap na Undas 2023 at sisiguraduhin ang kaligtasan ng mga bibisita lalo na sa mga sementeryong inaasahan ang dagsa ng tao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments