Ilang mga residente ng Mandaluyong at Pasig City, wala pa rin suplay ng tubig

Wala pa din suplay ng tubig ang ilang lugar sa Pasig at Mandaluyong City kaya’t hirap at puyat ang inabot ng mga apektadong pamilya.

Magdamag na pumila ang mga residente sa barangay addition hills sa Mandaluyong para makakuha ng rasyon ng tubig kung saan ang ibang barangay naman ay may suplay ng tubig mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Habang ang barangay pinagbuhatan sa Pasig ay umasa din sa rasyon ng tubig at ang iba namang residente sa lungsod ay nagsasabing malabo at hindi pwedeng gamitin pangluto at inumin ang tubig na lumalabas sa kanilang gripo.


Una nang sinabi ng Manila Water na 90 percent ng kanilang mga customer ay mayroon nang tubig pero hirap o mahina hanggang sa walang tubig ang mga nakatira sa mataas at malayong lugar na sakop nila.

Facebook Comments