Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga residente sa Baseco Compound partikular sa Zone-103 na makakuha ng tubig matapos tamaan ang water pipeline ng Maynilad.
Ito’y matapos na tumagilid ang isang maliit na backhoe sa hukay para sa ginagawang linya ng septic tank.
Nabatid na aksidenteng tumagilid ang backhoe kahapon kung saan natamaan nito ang linya ng tubig kaya’t nawalan ng suplay ang buong Baseco.
Dahil dito, tinawagan na ng mga contractor ang opisina ng Maynilad na nakakasakop sa lugar para mapigilan ang pagtagas ng tubig.
Bunsod nito, pino-problema ng ibang residente kung saan sila kukuha ng tubig lalo na’t sobrang init ng panahon ang kanilang nararanasan.
Sa ngayon, unti-unti ng ginagawan ng paraan na maiahon ang backhoe kung saan kwento ng mga residente na tatlong beses na itong nangyayari sa kanilang lugar.