Ilang mga residente sa Brgy. Roxas na na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa biglang pagtaas ng tubig baha, inilikas na

Nagsagawa kagabi ang QC Disaster Risk Reduction and Management ng urban search at nagpadala ng rescue team kasama ang Department of Public Order and Safety (DPOS) ng rescue operations sa mga pamilyang na-trap sa kanilang bahay dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig baha sa Brgy. Roxas.

Nabatid na kabuuang 79 pamilya o katumbas ng 285 individuals ang pansamantalang inilikas sa temporary shelter malapit sa Multi-Purpose Gymnasium.

Ayon sa QC Disaster Risk Reduction and Management ang mga nailikas nila ay kasalukuyang nasa Multi-Purpose Gymnasium ng Brgy. Roxas, Quezon City.


Facebook Comments