Binakuhan ang ilang mga sanggol sa Lungsod ng Quezon, bilang bahagi ng “Chikiting Bakunation Days: National Vaccination Days” ng pamahalaan.
Layon ng programa na maisulong ang pagbabakuna para sa pediatric population edad lima pababa.
Isinagawa ang bakunahan sa mga health centers sa lungsod kung saan binigyan ang mga sanggol ng BCG vaccine na proteksyon sa tubercolis, Pentavalent vaccine na proteksyon sa Dipterya, Tetano, Pertussis, Pulmonya, at Meningitis, Polio vaccine, at PCV laban sa pneumonia.
Binigyan din ang mga bata ng paracetamol pagkatapos mabakunahan.
Nagsagawa rin ang health centers ng family planning seminar para sa mga magulang upang mabigyan sila ng tamang impormasyon sa family planning method.
Libre naman ang mga bakunang ibinibigay sa mga bata.
At sa mga magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak, maaari lamang na magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.