Maiinit na pagtanggap ng vendors sa Baguio City, lubos na ikinatuwa ng kampo ni VP Robredo

90

Hindi apektado ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pangangampanya, sa kabila ng nangyaring insidente ng anila ay pambabastos ng isang indibidwal sa Baguio City Market.

Nangyari ito habang nakikipag-usap ang bunso niyang anak na si Jillian Robredo sa mga vendor at namamalengke.

Sa halip, nagpasalamat pa ang kampo ni VP Leni dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanila.


Habang naglilibot sa palengke sina Jillian at mga tagasuporta, masaya naman siyang sinalubong ng vendors na may dala pang poster ng kaniyang ina.

Pero nahaluan ng hindi magandang pangyayari nang sigawan sila ng isang indibidwal nang maharangan na ang daanan.

Tahimik na lang na umalis sina Jillian sa palengke, pero hinabol pa sila ng isang miyembro ng One Baguio Benguet upang humingi ng paumanhin.



Facebook Comments