Pawang mga independent candidate ang naghain ng kani-kanilang Certificate of Candidancy (COC) na tatakbong alkalde at bise-alkalde sa lungsod ng Maynila.
Ito’y sa huling araw ng paghahain ng COC sa tanggapan ng Commission on Elections o Comelec-Manila.
Ilan sa kanila ay sina Honofre Abad at Francisco Pizzara.
Nabatid naman na hindi na tutuloy sa pagtakbo bilang alkalde ng lungsod ng Maynila si 1st District Congressman Manny Lopez na naging matunog ang pangalan nitong mga nakalipas na araw.
Sinasabing maghahain na lamang umano si Lopez ng kaniyang COC bilang re-electionist sa pagiging kongresista sa nasabing distrito.
Si Lopez, anak ni dating Manila Mayor Gemiliano ‘Mel” Lopez Jr. ay nasa ikalawang termino bilang kongresista ng Distrito 1 ng Maynila.
Matatandaan na inendorso kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez bilang pambato ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila.