Ilang mga tauhan ng Manila City Hall, sinimulan na ang E.O. No. 6 na inilabas ni Mayor Honey Lacuna-Pangan

Bilang pagsunod sa Executive Order No. 6 ni Mayor Honey Lacuna, nagsagawa ng paglinis at pagsasaayos ng mga opisina ang mga kagawaran at mga tanggapan hindi lamang sa city hall.

Bukod dito, ikinasa rin ang paglilinis sa mga ospital at mga sangay ng gobyerno sa buong lungsod ng Maynila.

Ang mga departamento sa loob ng city hall tulad ng Department of Engineering and Public Works, City General Services Office, Manila Traffic and Parking Bureau, City Planning and Development Office, Department of Assessment, City Budget Office, Manila Department of Social Welfare, Office of the Senior Citizens Affairs, Urban Settlements Office, at City Security Force ang iilan sa mga tanggapan na maagap na nagsagawa ng paglinis sa kani-kanilang mga opisina.


Maging ang tanggapan ng punong alkalde, bise alkalde at Manila Public Information Office ay nakiisa sa pananatiling malinis ang ikalawang tahanan ng mga kawani ng gobyerno.

Pati na rin ang mga tanggapan ng gobyerno na nasa labas ng munisipyo tulad ng Department of Public Services, Ospital ng Maynila Medical Center, Ospital ng Tondo, Public Employment Service Office, Manila North Cemetery, at Manila City Library ay agarang tumupad sa kautusan ng ina ng lungsod.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Mayor Honey na maki-isa ang lahat ng mga barangay sa lungsod hinggil pagsasaayos at paglilinins ng mga komunidad.

Facebook Comments