Kadiwa stores, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas palakasin pa sa ilalim ng kanyang administrasyon

71

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas mapalakas pa ang Kadiwa stores sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Ayon sa pangulo, good model na maikokonsidera ang Kadiwa noon ng isang nagdaang administrasyon pero nangangailangan aniyang ipatupad ang reconstruction dito.

Aniya, bagama’t magkatulad ang konsepto ng Kadiwa noon at ngayon, sa aspeto ng ipatutupad na teknolohiya magiging magkaiba na ito.


Matatandaan na panahon pa lamang ng kampanya ay inihayag na ng pangulo na pursigido siyang gawing permanenteng establisyimento sa lahat ng baranggay sa buong bansa ang Kadiwa.

Ito’y para masiguro na hindi na maulit pa ang naranasang gutom na tumama sa marami partikular noong bago magsimula ang pandemya.

Facebook Comments