Para masigurong ligtas at hindi nahawaan ng COVID-19, isinalang ngayon ng Manila Police District (MPD) ang ilan nilang tauhan.
Ito ay pawang mga nakatalaga sa iba’t-ibang presinto at opisina ng MPD.
Ang ikinasang group swab test ay ginawa sa halos 50 mga pulis na nagpapatrulya sa mga pampublikong lugar at rumeresponde sa mga hindi kanais-nais na insidente.
Sinabi ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco, ang hakbang na ito ay bilang bahagi upang masigurong matutugunan agad ang anumang pangangailangan sakaling may tauhan siya na maaaring magpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon halos tatlong linggo na ang nakakalipas na walang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng MPD kaya’t nais masiguro ng pamunuan nito na mapanatili ang ganitong sitwasyon.
Bagama’t patuloy ang paalala hinggil sa pag-iingat ng pulisya, inihayag ni Francisco na malaking bagsy ito sa pakiramdam na walang inaalalang apektado ng sakit ang bawat tauhan ng MPD.
Sa huling datos naman ng MPD, umabot sa 1,104 na pulis ang tinamaan ng virus kung saan lima sa kanila ang nasawi habang ang iba ay tuluyan ng nakarekober at nakabalik na sa trabaho.