Sumalang sa surprise drug test ang ilang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station-6.
Ikinasa ang drug test sa mismong tanggapan mg MPD sa UN Avenue sa Ermita, Maynila matapos ang isinagawang accounting of personnel.
Nasa 120 na pulis at non-uniformed personnel ang isinailaim sa drug test.
Ang ikinasang aktibidad ay bilang bahagi ng Intensified Cleanliness Policy na ipinatutupad ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo Francisco.
Nais kasi na masiguro ng opisyal na walang gumagamit ng iligal na droga sa buong hanay ng MPD lalo na sa Sta. Ana Police Station.
Ang mga magpositibo naman sa iligal na droga ay sasalang sa imbestigasyon at kakasuhan kung saan maaari din silang matanggal sa serbisyo.
Facebook Comments