Lacson-Sotto Tandem, handang tulungan ang mga testigo sa e-sabong na pulis ang nasa likod ng pagdukot

60

Handa sina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senador Vicente “Tito” Sotto III na tulungan ang isang testigo na gustong mag-testify sa Senado sa mga nawawalang 31 sabungero.

Sa isinagawang ambush interview sa lalawigan ng Quezon, sinabi ni Lacson na maaaring magtungo sa kanyang tanggapan ang witness na nais magtestigo sa Senado na mga pulis Laguna ang dumukot sa mga sabungero.

Tinitiyak ni Lacson na kayang palawigin ng Senado ang proteksyon sa naturang testigo basta substantial ang lahat ng mga sasabihin at mga nalalaman sa pagkawala ng mga sabungero.


Paliwanag ni Lacson na maaari din niya na irekomenda na state witness ang naturang testigo at may sariling security ang Senado.

Facebook Comments