Umaasa ang ilang tsuper sa bayan ng Lingayen, Pangasinan na sana ay magtuloy-tuloy na ang rollback sa presyo ng langis sa kabila ng sunod-sunod na mega oil price hike.
Si Joy Garcia, tsuper ng modernized jeepney, rutang Lingayen-Dagupan, Mahigit kalahati ng dati nilang kita ang nababawas sa kanila.
Aniya pa, nabawasan na rin pati ang mga unit ng pumapasadang jeepney sa kanilang ruta.
Samantala, ayon naman kay Edmar Gumapos, isang tricycle driver, hindi raw nila maramdaman ang kakarampot na rollback sa gasolina.
Dapat, kapantay ng pagtaas ang pagbaba ng gasolina.
Umaasa naman ang ilan pang tricycle driver sa nasabing bayan na sana ay mapabilis din ang pagbibigay ng ayuda sa mga munisipalidad sa mga probinsya.
Sa huling pagtataya ng Department of Energy (DOE), ibinahagi ni Sec. Sharon Garin na posibleng bumaba ng 20.89 pesos ang kada litro ng diesel, 4.43 pesos sa kada litro ng gasolina, at 8.50 pesos sa kada litro ng kerosene. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








