Ilang MGCQ areas, muling isasailalim sa GCQ status sa Pebrero

Inaasahang ilalabas ng Malacañang bago matapos ang linggong ito ang panibagong quarantine classification sa Metro Manila at sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, muling isasailalim sa mas mahigpit na quarantine status ang ilang probinsyang nakasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Bagama’t naabisuhan na ang mga lokal na opisyal para makapaghanda, si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang magbibigay ng final decision bago matapos ang buwang ito.


Una nang pinaboran ng mga alkalde sa Metro Manila na i-extend ang GCQ status ng National Capital Region (NCR) matapos na ma-detect ang bagong COVID-19 variant sa bansa.

Habang inendorso ng Department of Health (DOH) ang mas mahigpit na quarantine measures sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Facebook Comments