3 menor de edad, arestado matapos sunugin ang isang bahay sa Denver, Colorado, USA

45

Arestado ang tatlong menor de edad matapos sunugin ang isang bahay sa Denver, Colorado, USA.

Ayon kay Denver Police Chief Paul Pazen, lima ang nasawi sa sunog kabilang ang dalawang bata na pawang Senegalese.


Habang tatlo naman ang sugatan matapos tumalon sa bintana upang makaligtas sa sunog.

Nahaharap sa 24 charges ang tatlong kabataan kabilang ang 5 counts of first-degree murder, 3 counts ng attempted first-degree murder at 8 counts of first-degree arson.

Facebook Comments