Sumugod sa tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang militanteng grupo at mga aktibista.
Ito’y upang ipanawagan na kanselahin na ng COMELEC ang Certificate of Candidacy (COC) ni dating Senador Bongbong Marcos.
Kabilang sa mga nagkilos-protesta ay ang mga miyembro ng Bayan Muna, Anakpawis, Kilusang Mayo Uno, Selda, Karapatan, at Health Alliance for Democracy.
Ikinasa nila ang protesta kasabay ng unang araw ng pagdinig ng COMELEC sa ilang mga petisyon para kanselahin ang COC ni Marcos.
Kanilang panawagan na huwag nang pagbigyan at huwag na rin pabalikin pa sa anumang posisyon sa gobyerno.
Sa gitna ng protesta, isang ginang na supporter ni Marcos ang umeksena saka iginigiit na bigyan ng pagkakaton ang dating senador na muling mamuno dahil marami naman daw silang nagawa para sa bansa.