Sumugod ang mga militanteng manggagawa sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Intramuros, Maynila.
Isang kilos-protesta ang isinagawa ng Kilusang Mayo Uno para hilingin kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma ang maagap na aksyon sa mga hiling na dagdag sahod.
Giit ng mga raliyista, ipasa na ang hirit na karagdagang P750.00 sa arawang sweldo upang makasabay sa mataas na presyo ng bilihin.
Muli nilang ipinapaliwanag na hindi na makatwiran ang kasalukuyang minimum wage na malayo sa mahigit P1,000 living wage para disenteng makapamuhay ang isang pamilya sa National Capital Region (NCR).
Bukod dito, hiling nila na makuha ang suporta ng DOLE sa mga panukalang batas para sa dagdag sahod lalo na’t para ito sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.