Mahigit 100 na pasahero, naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS-Shield Bath Soap

Aabot sa 150 na pasahero ang naserbisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS-Shield Bath Soap ngayong araw.

Ang nasabing ‘Libreng Sakay’ ay nagsimula kaninang alas-6:00 ng umaga na may biyaheng Tulay-Kalayaan-Buting, Buting-Kalayaan-Guadalupe at vice versa.

Tunay nga na umaapaw ang biyaya ngayong araw sa mga naserbisyuhang pasahero dahil nakatanggap din sila ng mga cash prize, gift packs at hygiene kits.


Kabilang sa mga pasahero ay mga estudyante, guro, mga empleyado na papasok at pauwi galing trabaho at mommies at daddies na namalengke.

Anila, na-miss nila itong ‘Libreng Sakay’ na malaki ang naitutulong upang makatipid sa gastusin.

Ang ‘Libreng Sakay’ ay hatid ng RMN Networks, DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS – Shield Bath Soap, “napatunayang mabisa, nurse tiwala”.

Facebook Comments