Ilang minuto matapos ikasal: Mag-asawa patay nang salpukin ng tow truck

Image via KFDM News
Nauwi sa trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng pag-iisang dibdib ng bagong mag-asawa sa Texas, ilang minuto lamang matapos silang ikasal noong Biyernes ng hapon, oras sa Estados Unidos.

Kinilala ang mga nasawi na sina Harley Morgan, 19, at Rhiannon Boudreaux, 20.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Orange Police Department, kalalabas lamang ng kotse sa parking lot ng Orange County Justice of the Peace, kung saan lulan sina Morgan at Boudreaux, nang mabangga ng isang tow truck na may hatak na traktor.  Papunta na dapat ang dalawa sa kanilang wedding reception.

“I watched my baby die, I’m still wearing my son’s blood because I was trying my best to rip him and her out of the car,” ani Kennia Morgan, nanay ng isa sa mga biktima.

“That’s an image that will haunt me the rest of my life. I won’t forget it. It will never go away. I will see that truck hit my baby and kill my baby every night of my life, the rest of the time that I’m on earth,” dagdag pa niya.
Wala namang tinamong galos ang drayber ng truck.

Nagtungo din sa pinangyarihan ng aksidente ang hukom na nagkasal sa dalawa na si Joy Dubose-Simonton.
Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng awtoridad sa naturang aksidente.
Facebook Comments