VIRAL: Hello Kitty gasoline station sa South Cotabato

Images via Yen Mangompit and Maria Paulina Khan

Kinagigiliwan ngayon ng mga motorista ang isang gasolinahan sa bayan ng Surallah, sa lalawigan ng South Cotabato dahil namumukadkad ito ng – Hello Kitty.

Ayon sa may-ari ng gasoline station na sina Francis at Noime Murillo, ultimate fan ng sikat na Sanrio character ang pangalawa.

Pinangalan din nilang “Tres Marias Hello Kitty” ang naturang fuel station, dahil mayroon silang tatlong anak na babae.

Kuwento pa ng mag-asawa, biniyayaan sila ng mga munting anghel matapos ang pitong taon.

Mula pa noong 2013, nakatayo na ang gasolinahan sa nasabing lugar ngunit ngayon lamang nila pinalitan ng disenyo at pangalan.

Nakatakdang matapos ang pag-aayos sa buong fuel station sa darating na Setyembre.

Hindi naman napigilan magpa-picture ng ilang biyahero sa kakaiba at unique na gas station sa Mindanao.

Facebook Comments