ILANG MIYEMBRO NG BHERTS AT BHW SA PANGASINAN, NABAKUNAHAN NA KONTRA COVID-19

Asingan, Pangasinan – Natanggap na ng mga kawani ng Barangay Health Workers (BHW) at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ang bakuna na laban sa corona virus disease 2019 o COVID-19.

Saad ni Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan, isang daan lang muna sa ngayon ang mababakunahan kada barangay sa bayan ng Asingan, kung saan nagrequest ang kanilang tanggapan na maisali sa mga mababakunahan ang ilang miyembro ng BHERTS at iba pang BHW na hindi pa nababakunahan.

Aabot naman sa 228 indibidwal ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca vaccines sa nasabing bayan.


Samantala, nabakunahan na rin ang ilang BHERTS members na mula naman sa 16 na barangay sa bayan ng Aguilar.

Facebook Comments