Lalawigan ng Quirino, Kabilang sa mga Mabibigyan ng Pfizer, Moderna Vaccine

Cauayan City, Isabela- Masayang ibinahagi ni Governor Dax Cua na kabilang ang Lalawigan ng Quirino sa mga mabibigyan ng bakuna mula sa national government.

Ayon kay Gov. Dax Cua, ang Quirino ay makakatanggap ng alokasyon ng Pfizer at Moderna vaccine na binili pa ng pamahalaan.

Ginagawa aniya lahat ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang makakaya upang magkaroon ng mas maraming klase at opsyon ng bakuna para sa mga may iba’t-ibang karamdaman o physical condition.


Ang probinsya ng Quirino ay nakikita din umano ng pamahalaan na may kakayahang mag-handle ng mga ipapamahaging doses ng bakuna.

Sa pinakahuling datos na ibinahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino, umaabot na sa 250 na aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa probinsya at may 45 na naitalang COVID-19 related death.

Facebook Comments