Ilang miyembro ng Kapa Ministry, iginiit na hindi sila nabiktima ng investment scam

Iginiit ng ilang miyembro ng Kapa-Community Ministry International Inc. na hindi sila nabiktima ng investment scam.

Ayon kay Danny Mangahas, convenor ng Ahon sa Kahirapan Movement – wala pa ni-isa sa kanila ang personal na nagsampa ng kaso laban sa religious group

Dagdag pa ni Al Vitangcol, legal counsel ng grupo – kinakailangang dumaan sa tamang proseso bago tuluyang bawiin ang business permits ng local branches ng Kapa.


Pero kasunod ng pag-freeze sa higit 100 milyong pisong assets ng Kapa, ipinag-utos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga local government official ang pagkansela at pagpapawalang bisa sa business permits ng Kapa.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – naging basehan ng kanilang kautusan ang findings ng Securities and Exchange Commission (SEC).

Hinikayat din ang ahensya ang mga LGU na itigil ang pagbibigay ng business permits sa mga organisasyon at subsidiaries ng Kapa.

Sa ilalim ng Local Government Code, ang mga municipal at city mayors ay may kakayahang magbigay ng business license at permits ngunit kapag may nakitang paglabag ay maari itong kanselahin.

Facebook Comments