Cayetano, iginiit na ‘di siya nagbabanta ng anumang gulo

210

Iginiit ni Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano na hindi siya nagbabanta ng anumang gulo kapag hindi siya ang napiling house speaker ng Kamara sa 18th Congress.

Ayon kay Cayetano – maayos ang kanyang pakikisama kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pamilya nito.


Aniya, nais niyang magtrabaho para sa ikauunlad ng Kongreso.

Pero kung manalo man siya ay maituturing niya itong ‘bonus.’

Dagdag pa niya, dapat ding masupil ang umiiral na vote buying sa labanan sa house speakership.

Facebook Comments

From Advertisers