Ilang miyembro ng media, kabilang umano sa high value target list ng PDEA

428

Ibinulgar ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino na may mga miyembro ng media ang kabilang sa kanilang high value target list.

Ayon kay Aquino, maituturing na malalaking personalidad sa larangan ng pamamahayag ang dawit sa umano’y kalakalan ng ilegal na droga.


Sinabi pa ni Aquino na hindi user kundi nagsisilbi umanong mga “protektor” ang mga kagawad ng media na kasama sa kanilang high value target.

Ang mga ito ayon pa kay Aquino ay nabibilang sa tri-media na ang ibig sabihin ay mayroon sa broadcast, print at on line.

Una dito ay ibinulgar din ng PDEA chief sa isinagawang press briefing sa Palasyo na umaabot sa 12,000 ang kabilang sa kanilang HVT na miyembro ng local government, barangay officials, pulitiko, celebrities at iba pa.

Facebook Comments

From Advertisers