Natuwa ngayon ang ilang negosyante sa Dagupan City matapos sumalubong sa kanila ang pagbaba ng presyo ng LPG o liquefied petroleum gas sa unang araw ng Hunyo ngayon taon.
Ayon sa Oil Industry Management Bureau – Department of Energy (OIMB-DOE), nasa P6.20 ang ibinawas presyo sa kada kilo ng LPG kung saan ang presyo nito dati ay nasa P900 pataas kada 11 kilograms ng LPG ngayon ay nasa P780-850 nalang.
Bagay na ikinatuwa ni Aling Emily Agsalud, isang katiwala ng karinderya sa Dagupan City kung saan aniya, madaragdagan na ang kanilang kita at para nang sa ganoon ay may maipon siya at para may maipasahod sa kanilang mga kasamang manggagawa.
Dagdag pa nito, kapag aniya mataas ang LPG, hindi rin umano sila kikita ng malaki.
Base sa OIMB, nagkaroon ng pagpapatupad sa bawas-presyo sa kada kilo ng LPG sa kadahilanang bumaba ang demand o paggalaw sa world market.
Sa ngayon, ilang residente na rin ang natuwa dahil sa pagbaba nito at anila hindi na sila gaanong magtitipid ng paggamit ng LPG.
Kaya’t panawagan ng ilang residente na sana ay manatili o mas bumaba pa ang presyo nito. |ifmnews
Facebook Comments