KALIDAD NA SERBISYONG PAGPAPAREHISTRO PARA SA MGA SAN NICOLANIANS, TINIYAK NG PSA AT PANCRA

Tiniyak ng ahensyang Philippine Statistics Authority o PSA at Pangasinan Civil Registrars Association o PANCRA ang kalidad na serbisyong pagpaparehistro para sa mga residente ng San Nicolas.
Saklaw nito ang importanteng mga dokumento tulad ng mga birth certificate at iba pang papeles na may katungkulan sa impormasyon ng mga tao.
Napili rin ang bayan ng San Nicolas na isa sa paggaganapan ng mga Monthly Meeting ng mga nasabing ahensya na may layong talakayin ang pagpapalawig ng ganitong uri ng serbisyo hindi lamang sa mga San Nicolanians maging ang mga Pangasinense.

Suportado naman ito ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas at ipinahayag din ng alkalde ang pasasalamat sa mga naturang ahensya. |ifmnews
Facebook Comments