Ilang negosyante sa Hong Kong, tumutulong na rin sa Filipino community sa harap ng COVID-19 surge doon

Tumutulong na rin ang ilang mga negosyante sa Hong Kong sa Filipino community doon sa harap ng patuloy na COVID-19 surge doon.

Partikular ang gagawing pamamahagi ng libreng rapid antigen test kits na gagawin bukas sa isang mall sa Hong Kong.

Layon nito na mabilis na matukoy kung mayroon pang Filipino domestic workers ang infected ng virus.


Una na ring tumulong ang netizens sa Hong Kong sa paglikom ng pambayad sa multa para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na lumabag sa social distancing protocol.

Partikular ang Filipino domestic workers na nahuling nagtitipon sa higit sa dalawang indibidwal.

Tinutulungan din ng Filipino community ang mga Pinoy domestic worker na sinibak ng employer dahil nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments