Ilang bahagi ng EDSA, muling isasara sa trapiko ngayong weekend dahil sa pagkukumpuni ng DPWH

Naglabas ng abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsadang isasara ngayong weekend bunsod ng isasagawang pagsasaayos.

Batay sa inilabas na advisory ng DPWH, nagsisimula ang road repairs kagabi ng alas-onse na tatagal hanggang alas-singko ng madaling araw ng Lunes, Pebrero 28.

Narito ang mga isasarang daan:
• EDSA Northbound direction malapit sa Quirino Highway Exit;
• EDSA Caloocan Southbound sa harap ng biglang Awa Street, 4th lane mula sa sidewalk; at
• Innermost lane o bus way mula sa E. Rodriguez Street papunta sa C. Jose Street, Northbound sa Pasay City.


Pinayuhan naman ng DPWH ang mga motorista na umiwas sa mga nasabing daan at maghanap ng mga alternatibong ruta.

Facebook Comments