Ilang negosyante sa San Juan at Mandaluyong City, naglimita muna ng pagtanggap ng customers

Naglimita muna ang ilang business establishment sa Mandaluyong at San Juan City ng pagtanggap ng kanilang customers dahil sa nararanasang kakulangan ng suplay ng tubig.

Ilan sa mga establisyimento na naapektuhan ng water shortage ay ang mga car wash, karinderya, restaurant at laundry services habang minomonitor naman ng lokal na pamahalaan ang presyo ng bentahan ng mineral water.

Umaangal naman ang mga residente ng Brgy. Addition Hills dahil hindi daw sapat ang nirarasyong tubig sa kanila kung saan bukod nga sa kulang, nililimitahan lang sila sa 2 hanggang 3 balde kada pamilya.


Magkakaroon naman scheduled water service interruption ang Manila Water sa ilang munisipalidad at syudad sa lalawigan ng Rizal simula bukas, June 22, 2019 dahil na rin sa kakulangan ng alokasyon ng tubig sa Angat dam kaya’t pinapayuhan nila ang kanilang consumers na mag-ipon na ng sapat na suplay ng tubig.

Facebook Comments