Mahigit 40 estudyante sa Batangas, hinimatay sa matinding init

255
Courtesy: Dennis Datu / ABS-CBN

Isinugod sa ospital matapos himatayin ang nasa higit 40 estudyante sa Bauan Technical High School sa Batangas, Biyernes, Hunyo 21.

Ayon kay Bauan Police Chief Joemar Labiano, dinala ang ibang estudyante sa Bauan Doctors General Hospital habang ang iba naman ay sa Bauan Public Hospital.


Hindi pa umano kumpirmado ang dahilan kung bakit nahimatay ang mga estudyante, pero hinala ng pulis, sanhi ito ng mainit na panahon.

Pumalo sa 56 degrees Celsius ang heat index sa lugar bandang tanghali.

Sinuspinde na ang klase sa nasabing paaralan.

Kahapon lang, 60 estudyante naman sa parehong paaralan ang hinimatay at dinala sa ospital sa kasagsagan ng national earthquake drill.

Facebook Comments

From Advertisers