Ilang noche buena items, posibleng tumaas – DTI

Kasalukuyan nang inaaral ng consumer protection group ng Department of Trade and Industry ang hirit ng ilang manufacturers hinggil sa taas presyo ng ilang noche buena items.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na may ilang brands ng noche buena items ang nagrequest na sa kanila para magkaroon ng price adjustment.

Paliwanag pa ni Lopez, nasa less than 1% to 3% ang hirit na price adjustment ng ilang manufacturers upang sila ay makabangon mula sa pagkalugi dulot ng COVID-19 pandemic.


Sinabi pa nito na kada taon ay talagang may mga mafucaturer ang humihiling ng taas presyo sa kanilang mga produkto, pero sa ngayon ay kanila muna itong pag-aaralan upang hindi rin mahirapan ang mga consumer.

Giit pa ng kalihim, kung risonable ang hirit na taas presyo ay kanila namang pagbibigyan habang ang ilang produkto na malaki ang gustong itaas sa kanilang presyo ay makikiusap sila sa mga manufacturer na tapyasan ito kahit konti.

Kasunod nito, payo ng DTI sa mga consumer na bumili ng promo o bundle products na tiyak na sulit at swak sa ating budget.

Facebook Comments