
Pansamantala munang pinagpapahinga ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Overseas Filipino Worker (OFW) Lounge ang ilang dumating kanina na Pinoy repatriates mula Dubai, UAE.
Kabilang dito ang ilang OFWs na naghihintay ng kanilang flights pauwi ng kanilang mga lalawigan.
Isa rito si Mary Joy Llagas, isang Nursing Assistant mula sa Dubai na naghihintay ng kanyang domestic flight patungong Butuan.
Kabilang si Mary sa 34 stranded OFWs sa Dubai na nakauwi sa Pilipinas ngayong araw, Marso 6, 2026 sakay ng Emirates Airlines Flight 336.
Ang mga dumating na pinoy repatriates ay binigyan din ng airport assistance at tulong pinansyal mula sa DMW.
Facebook Comments










